Daluyong by Lazaro Francisco


Daluyong
Title : Daluyong
Author :
Rating :
ISBN : 9715501664
Language : Filipino; Pilipino
Format Type : Paperback
Number of Pages : 383
Publication : First published January 1, 1986

Nagsisimula ang Daluyong kung saan nagwawakas ang Maganda pa ang Daigdig. Si Lino Rivera, dating bakero ng isang asendero, ay nabigyan ng pagkakataong magmay-ari ng sambanos na lupa buhat sa butihing si Padre Echevarria. Modelo si Lino ng taong dahil sa pagsisikap at kabutihang-loob ay nakalaya mula sa pamatok ng sistemang kasamá.

Bukod sa daluyong ng mga pagbabagong maaaring maganap dulot ng repormang agraryo at ng pag-asa ng maginhawang kinabukasan para sa maliliit na mamamayan, tinatalakay rin ng nobela ang daluyong ng mga puwersang sumasalansang sa mga pagbabago't pag-asang ito.


Daluyong Reviews


  • K.D. Absolutely

    #BuwanNgMgaAkdangPinoy
    Aklat #31: DALUYONG ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Lazaro Francisco
    (Ateneo de Manila University Press, 1986)

    Nabasa ko yong "Maganda Pa Ang Daigdig" noong 2010. Pinabasa noong anak ko dahil required reading nila sa St. Theresa's College. High school pa lang sya noon. Ngayon ay malapit nang magtapos ang anak ko sa kolehiyo bago ko naisipang alamin kung ano ang nangyari kina Lino Rivera, Miss Loreto Sanchez at Padre Amando Echevarria.

    Kung happy ending ang "Maganda," medyo may pagka-tragic ang "Daluyong." Nagsimula ito kung saan nagwakas ang "Maganda". Ito yong pagkupkop ng mag-tiyong sina Miss Sanchez at Padre Echevarria sa mag-amang Lino at Ernesto. Sa simula pa lang, o kahit doon sa "Maganda" ay alam na natin may pagtingin ang gurong si Miss Sanchez sa jobless na si Lino ngunit noong panahon ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Lazaro Francisco (1898-1980) ay bawal pang mag-asawa ang isang mayaman at mahirap. Sobrang pakialamera ang mga tao noon. Ngunit ang magugulat ka ay kahit pala noong panahong iyon ng mga Amerikano ay pare-parehong pa rin ang mga problema nila sa ating kasalukuyang henerasyon: ang problema sa agraryo, ang prostitusyon, ang panggagahasa sa mga kababaihan, ang pakikialam ng simbahan sa pagpapatakbo ng gobyerno at ang kahirapan ng mga taong walang salapi upang ipagamot ang sarili dahil na rin sa sobrang kahirapan.

    Mahaba ang kuwento. Ngunit mabusisi ang pagkakagawa ng plot. Maraming ipinasok na usaping panglipunan kahit wala na ang sa digmaan at Huk na central themes sa "Maganda." Dito sa "Daluyong," maraming mga tauhan at samu't sari ang kanilang mga karanasan. Nagustuhan ko ang kuwento ni Didang, ang karakter ni Huli dahil lumalaban, ang multi-layered na karakter ni Bidong. Galit akong sobra sa mga tsismosang sumira ng sana'y magkakatuluyang magsing-irog na sina Miss Sanchez at Lino. Ipinagtataka ko rin bakit ka-level ng mayayaman at hasyendero si Father Echevarria. Di ba may vow of poverty ang mga Katolikong Pari kahit noong araw pa? Marahil wala pa noon ang mga vows. Malamang naman makatotohanan ang akdang ito ni Francisco. Manapa'y kung hindi, marahil ay di sya ginawaran ng karangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining.

    Salamat sa iyong mahusay na akda, Ginoong Francisco! Sa dalawang nobela mong napagtagumpayan kong basahin (kahit ilang linggo bago ko matapos), di sila nagkamali ng pagkilala sa ipinakita mong talento sa pagsusulat ng may kabuluhan.

    Salamat din sa patimpalak na ito, Ginoong Edgar Calabia Samar. Naengganyo akong magbasa o makatapos ng 31 Akdang Pinoy sa loob ng isang buwan!

    #BuwanNgWikangFilipino
    #PinoyReadsPinoyBooks

  • Magan

    Considering this to be a book that was forced for us to read, I really wasn't much of a fan but somehow I found this much more entertaining than its first book, Maganda Pa Ang Daigdig. I am really disheartened by the fact that Bb. Sanchez died in the end because it kind of gave me a false message on how cruel life could be which really was unnecessary because the whole book was about disappointments. (Haha! I really don't know how to review books) But anyway, I am happy this is over with!

  • Jessica

    LINO, SANA SINABI MO KAY LORETO NA MAHAL MO SIYA EH NOH?! PARA HINDI NAGKANDA-LOKO LOKO YUNG BUHAY MO. /rant

  • Karmina Santos

    Do I really consider this as something "read" when I've only browsed through the chapter summaries? lol

  • Cindy Mirando Ü

    filipino

  • Vianne Lacay

    hhhhhhhhhhhhhhhh