Title | : | Pag-aaral sa Oras: Mga Lumang Tula Tungkol sa Bago |
Author | : | |
Rating | : | |
ISBN | : | - |
ISBN-10 | : | 9789719620150 |
Language | : | Filipino; Pilipino |
Format Type | : | Paperback |
Number of Pages | : | 171 |
Publication | : | First published January 1, 2017 |
Pag-aaral sa Oras: Mga Lumang Tula Tungkol sa Bago Reviews
-
Hindi ko masyadong nagustuhan ang unang bahagi dahil may mga tula talaga na magulo sa akin. Pero sa ikalawang bahagi, doon na lumitaw ang matatapang na tula ni Kerima; tila pagtatala ng kanyang kasaysayan bilang isang pulang hukbo. Ang kanyang mga salin ay talaga namang mahusay rin. Hindi lang basta isinalin eh, parang nabigyan ng bagong buhay.
-
Makikita mo sa librong ito kung paano nagbago at mas lalong humusay ang panulaan ni Kerima sa paglipas ng panahon. Pinaalala sa akin ng librong ito na ang panitikan ay palaging nakaugat sa lipunan at panahon kahit pa pagbali-baliktarin mo pa ang depinisyon ng panitikan. Matagal ko bago matapos ang librong ito, pero kailangan mo talaga bagalan ang pagbabasa sa mga tulang kabilang sa koleksiyon na ito upang ganap na maintindihan ang danas na itinatala rito ni Kerima bilang mag-aaral, aktibista, manggagawa, rebolusyonaryo't mandirigma. Salamat, paalam at pinakamataas na pagpupugay!
-
Ibang-iba ang alab ng panitikang humuhugot ng lakas sa lipunan.
Saludo sa pagmamahal at tapang ni Kerima! Napakahusay ng kaniyang pagtatahi ng mga salita upang ipadama ang kaniyang pag-ibig, lumbay at poot sa tunay na danas ng daigdig.