Title | : | Ilaw sa Hilaga |
Author | : | |
Rating | : | |
ISBN | : | 9715420931 |
Format Type | : | Kindle , Hardcover , Paperback , Audiobook & More |
Number of Pages | : | 362 |
Publication | : | First published January 1, 1931 |
Ilaw sa Hilaga Reviews
-
Walang kaparis talaga itong si Lazaro Francisco. Napakahusay na nobelista! Aaminin kong hinding-hindi ko mapapantayan ang kanyang panulat sa wikang Tagalog (ngunit sa palagay ko naman ay mahihigitan ko siya sa dunong at husay sa pagkukuwento). Hahaha!
Una akong napabilib ni Francisco sa "Maganda Pa Ang Daigdig" at lalo pang napahanga sa nobelang ito. Tungkol saan ang "Ilaw sa Hilaga"? Tulad ng iba pa niyang likha, tungkol ito sa pag-ibig sa bayan, sa nasyonalismo. Kung anong ikinabansot ng mga layon at ikinasawimpalad ni Simoun (Crisostomo Ibarra) sa "El Filibusterismo" (at Noli Me Tangere) ay siya namang ikinatagumpay ni Rei Vajt Ossan (o Javier Santos), ang pangunahing tauhan sa nobelang ito.
Nakakikilabot sa ganda!
Babala lamang: Kung ninanais mong basahin din ang mga nobela ni Francisco, tiyakin mo munang mahusay kang magbasa sa Tagalog. Kung nahihirapan ka nang basahin ang sulat kong ito, tiyak na higit kang magdurusa sa pagbabasa ng kanyang makakapal na aklat. Panahon pa ng Kastila-Amerikano ang kanyang taglay na wika sa panulat. Ngunit labis ko rin namang iminumungkahi na basahin mo siya.
Upang mapadali ang iyong pagbabasa, dahan-dahanin mo at huwag magmadali. Apat na araw ang ginugol kong panahon upang matapos ang aklat na ito. Mahusay na akong magbasa at magsulat sa Tagalog sa lagay na iyan. Paano pa kung ikaw na hindi Tagalog ang unang wika o kaya naman ay mas bihasa sa pagbabasa sa wikang Ingles?
Mainam din kung may katabi kang diksiyonaryong Filipino. Makatutulong naman kung ipagpapaliban mo muna si Francisco at magsisimula sa ibang mas magagaang sulat na nobelang Filipino tulad ng "Janus Silang" o "Para Kay B", o ang mga akda ng iba pang manunulat tulad nina Edgardo M. Reyes, Eros Atalia, Eugene Evasco, Vlad Gonzales, Bob Ong, atbp. Saka ka magbasa ng Lazaro Francisco.