Title | : | Ang Makina ni Mang Turing |
Author | : | |
Rating | : | |
ISBN | : | - |
ISBN-10 | : | 9789715427319 |
Language | : | Filipino; Pilipino |
Format Type | : | Paperback |
Number of Pages | : | 139 |
Publication | : | First published January 1, 2013 |
Awards | : | NBDB National Book Awards Best Novel in a Philippine Language (2014) |
Para sa mga hindi nakakaalam kung paano nilalaro ang sungka sapagkat nahumaling na sa mga modernong laro, ang sungkaan ay may tigpipitong maliit na “bahay” na nakaayos sa dalawang magkatabing hanay. Sa dalawang dulo ng pahabang sungkaan ay may tinatawag na “malaking bahay.” Bago magsimula ang laro ay inihahanda muna ang sungkaan sa pamamagitan ng paglalagay ng tigpipitong sigay sa bawat maliit na bahay. Iiwanang walang laman ang malalaking bahay. Magkaharap na nakaupo ang mga manlalaro ng sungka. Ang hanay ng maliliit na bahay sa harapan ng bawat manlalaro ay itinuturing na sa kanya, gayundin ang malaking bahay sa kanyang kanan. Magsisimula ang laro sa pamamagitan ng sabay na pagdakot ng dalawang manlalaro ng mga sigay sa alinmang maliit na bahay sa kanilang hanay at paghahasik ng mga sigay nang tig-iisa sa mga bahay na maliit at sa kani-kanilang malaking bahay na paikot sa dirección pakanan sa kanilang hanay at pakaliwa sa hanay ng kalaban. Hindi maglalagay ng sigay sa malaking bahay ng kalaban. Kapag naubos na ang kanyang hinahasik at walang laman ang nabagsakang bahay ng pinakahuli niyang sigay ay tapos na ang kanyang turno. Maliban sa unang sabayang pagdakot ay nagsasalitan ng turno ang mga manlalaro ng sungka. Kapag pumatak ang huling sigay sa bahay na may laman ay dadamputin niya ang nilalaman nito at tutuloy sa paghahasik hanggang pumatak ang huli niyang sigay sa bahay na walang laman. Kapag pumatak ang huling sigay niya sa kanyang malaking bahay mismo ay maaaring pumili ang manlalaro ng alinman sa kanyang maliliit na bahay na mayroon pang nilalaman upang maghasik muli at ituloy ang kanyang paglaro. Sa pinakasimple nitong anyo ay matatapos ang laro kapag hindi na makakilos ang dalawang panig.
Mananalo ang manlalarong may pinakamaraming sigay na naipon sa kanyang malaking bahay.
Ang Makina ni Mang Turing Reviews
-
This book can transport you to the time when our National Hero,
Dr. Jose P. Rizal was hoping from one European country to another in 1890-1892. At first, I thought that Ramon Guillermo is an old UP professor. I first read his book, a Tagalog translation of Walter Benjamin's
On the Concept of History (3 stars) and it felt very scholarly instead of entertaining that's against the normal books that UP professors write nowadays.
When this book came out in 2013, I was happened to be at UP Press. I was intrigued why Ramon Guillermo would write something serious about an ancient game that I used to play with my siblings in the province in the 70's - the sungka that is also called in the book as "tjongklak." The story is about a unnamed Filipino writer who is having a sojourn in Europe to find inspiration to finish his novel about Dagohoy rebellion in the Philippines in 1744-1829.
His last trip is in Hamburg, Germany when he meets a Malay family whose father, named Waruno is an expert in playing tjongklak. They play almost everyday until one day, the Filipino writer becomes curious of the package that he is supposed to bring with him back to Manila. The package contains a mysterious machine previously owned by a certain Don Miguel Arturo Angel Valdez y Maglangit who died while in Spain. The don, called Mang Turing, used to be known to the Filipino writer's family when he was a young boy. The machine helped him defeat Waruno.
The reason why I really liked this book is that this is not only totally different from what come out nowadays from university presses in terms of setting. In fact, this is my first time to read a fiction work set during the time of Rizal's travel to Europe particularly in Germany. Also, Ramon Guillermo, really did his research on sungka even to the extent of having to write the moves similar to how a chess play is captured in writing. The reader definitely won't feel that he is just taken for a ride for just plain gimmick to sell. Ramon Guillermo really spent a great deal of time to create a book that I am sure will be one of the timeless classics in Philippine literature.
Well, especially because I think I will still enjoy playing sungka despite the many available computer or cellphone games nowadays. My mom in San Diego, CA still has a sungkahan in her senior's apartment. I should get myself one. Not a bad idea as a Christmas gift, perhaps? -
Will write a review in the future. Very highly recommended.
-
Mahusay!
Makikita natin yung iba 't ibang kultura sa librong ito. Mga kulturang nasakop at ang mga kulturang nananatiling sila pa rin.
Ang ganda nung foregrounding ng iba 't ibang kultura na makikita sa libro. Kahit yung simpleng kasaysayan ng ibang bansa nakita rin dito. Makikita ang pagtatagpo ng ating mga nakasanayan.
Sa background naman makikita natin ang ating bansa. Doon sa nobela ng karakter makikita ang pakikipaglaban hanggang ngayon ng mga Pilipino. Kasabay ng paggamit sa sungka bilang naratibo at dito dumadaloy ang iba 't ibang diskurso na nahihimay ng mga karakter.
Sa tingin ko mahusay ang pagtalakay ng iba 't ibang perspektibo katulad na lamang ng Marxismo at anarkismo. Makikita rin natin dito na mas ipinakilala ni sir Ramon Guillermo ang larong sungka na malimit nang nilalaro sa siyudad.
Dito din sa libro makikita na panahon pa ito ni Rizal na kung saan pumupunta ang mga illustrado sa Europeo. Kaya makikita natin sa gamit ng wika na may halong kastila pa rin ang salita.
Sa aking pangwakas, makikita dito na mas nakakaangat pa rin ang mga tao kaysa sa makina dahil pinapataas nila ang antas ng makinismo ng isang makina. -
Madami akong bagong natutuhan sa nobelang ito. Nahikayat din ako nito na maglaro ng sungka para subukan yung mga nakatalang kalkulasyon ng Cocodrillo. Maganda siyang historikal na nobela, ngunit ramdam ko rin ang kasalatan ko sa mga nabanggit na mga libro't reperensiya sa iba't ibang mga tauhan sa ating kasaysayan. Sa pangkalahatan, na-enjoy ko ang nobelang ito kahit "slow start" ako noong umpisa.
-
Will be writing a review of this later.