Bayan at Lipunan: Ang Kritisismo ni Bienvenido L. Lumbera by Bienvenido L. Lumbera


Bayan at Lipunan: Ang Kritisismo ni Bienvenido L. Lumbera
Title : Bayan at Lipunan: Ang Kritisismo ni Bienvenido L. Lumbera
Author :
Rating :
ISBN : 9715063632
Language : Filipino; Pilipino
Format Type : Paperback
Number of Pages : 194
Publication : First published June 1, 2005

best epub, bayan at lipunan: ang kritisismo ni bienvenido l. lumbera by bienvenido l. lumbera this is very good and becomes the main topic to read, the readers are very takjup and always take inspiration from the contents of the book bayan at lipunan: ang kritisismo ni bienvenido l. lumbera, essay by bienvenido l. lumbera. is now on our website and you can download it by register what are you waiting for? please read and make a refission for you


Bayan at Lipunan: Ang Kritisismo ni Bienvenido L. Lumbera Reviews


  • K.D. Absolutely

    "Si Bien ang tatay nilang lahat," sabi ni Ma'am Jing (Cristina Pantoja Hidalgo) noong panayam ng book club namin sa kanya noong Agosto 5, 2017. Tungkol ito sa isang kuwento kung saan ay kailangang mamagitan si Lumbera sa mga di pagkakaunawaan ng mga makata sa isang workshop.

    Si Bienvenido L. Lumbera (pinanganak sa Lipa noong 1932) ay naging Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 2006 isang taon matapos lumabas ang akdang ito. Kagaya ng marami sa atin, unang minahal ni Lumbera ang panitikang kanluranin: nagtapos siya ng Litt.B. at M.A. degrees mula sa UST noong 1950, at Ph.D. sa Comparative Literature mula sa Indiana University noong 1968. Sa kanyang pagninirahan sa Amerika, pinilit niyang danasin ang literatura at pagtatanghal (Broadway shows) ng Amerika at ibang pang dayuhang bansa. Ngunit noong magbalik siya sa Pilipinas ay "bumaliktad" ang isip niya bilang manunulat sa pamamagitan ni Amado V. Hernandez. Sabi sa Panimula ng akdang ito:

    "Si Amado V. Hernandez ang unang nagbigay sa kanya ng ideya. Sinabi nito minsan sa kanya na nais niyang makitang nagsusulat si Lumbera sa wikang Filipino. Nang inililibing na si Hernandez, nangako siya na tutuparin niya ang nais na iyon ni Hernandez. Nauwi ang karaniwang pangyayaring ito sa hindi karaniwang pagpapasya ni Lumbera." (p. xi)
    Magaang basahin (hindi archaic) ang Filipino ni Lumbera at mahusay siyang magbalangkas ng mga pangungusap: hindi maligoy, hindi rin bitin. At kung interesado ka sa naging buhay niya, sa kanyang mga pananaw, sa kanyang mga pinaniniwalaan, magugustuhan mo ang aklat na ito.

  • Lady Mae

    reporting